marine blog

ANG WIKANG FILIPINO SA HENERASYON NGAYON

Ang wika ang may pinakamahalagang aspetong bawat kutura. Ito ay susi na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinatatayuan. Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa.

Emerson Martin M. Alvarado, 20

Mga bagong salita sa panahon ng milenyal at Gen Z

"Dahil na sa mga makabagong mga pananalita, may ibang Gen Z ang hindi agad makakasabayo maiintindihan agad ang mga sinasabi ng mga milenyal. Sa kabilang banda naman, meron ding mga nausong salita noon na maaaring hindi rin agad maintindihan ng mga milenyal.Maaaring maging ugat ito ng kalimutan o hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga Gen Z at milenyal. Upang maresolba ito, dapat ay ipaliwanag ng bawat panig ang kahulugan ng mga salita."

Nikko S. CABUNGCAG, 19

ang wikang filipino ay simbolo ng nasyonalismo ng mga pilipino

"Ang wikang ito ang magiging sanhi ng pagbabago, pag-yabong, at sa pag-unlad ng bansang Pilipinas. Sinasalamin ang kultura at kasaysayan ng isang bansa. Bilang mag-aaral na pilipino, makakatulong tayo sa pag-angat ng kalagayan ng ating pambansang wika sa pamamagitan ng pag-galang at pag-sasapuso nito.Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad ng wika, simula noong panahon pa ng mga katutubo na kung saan tao ay may alibata hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto."

Louie jay ayap, 19, ifugao

kalagayan ng wika sa kamay ng makabagong henerasyon

"Nakasalalay sa ating wika at sa kung paano natin ito gagamitin ang kaunlaran at karunungang yaman ng ating bansa. Subalit, ano na nga ba ang isa sa sanhi sa pagbabago ng ating wika sa kasalukuyang panahon. Noon, lubhang matalinhaga at mayaman ang paggamit ng ating mga ninuno sa wika. Isa sa mga karaniwang uri ng mga salita ng ginagamit ng kabataan ngayon ang conyospeak.Sa paglipas ng panahon, isang makabagong kasangkapan ang nakilala ng mundo. Ang teknolohiya. Mula rito, masasabi natin na nabago ang ating wika. Naging madali para sa atin ang kumonekta sa ibang bansa na nagiging sanhi upang makilala at matutunan natin ang kanilang wika."


Pagsasaliksik

by: Missha Mae Repecio, 20, Cebu

Mensahe: Nakatutulong ang teknolohiya sa wikang filipino ay para sa mga taong interesado sa wikang filipino at higit pang gustong lumalim ang kaalam patungkol sa wikang filipino.


Ang tanging bagay na patuloy na umiikot sa mundong ating kinalalagyan ay ang bagay na tinatawag nating “PAGBABAGO”. Ito ay nangyayari sa lahat, maaring sa isang lugar, bagay, sa tao at pati na rin sa ating wika. Wika ang kumakatawan sa ating kultura, pagkatao at higit sa lahat, sa ating pagka-Pilipino. Kung walang wika, malabo na magkaintindihan ang lahat ng tao at magdudulot lamang ito ng kaguluhan sa ating bansa sa modernong panahon, tila mabilis ring umusbong ang mga makabagong teknolohiya.Teknolohiyang akala nati’y mabuti lang ang maidudulot ngunit sa kabilang banda’y nakakasira rin sa ating isipan, kamalayan, at relasyon sa ating mga kaibigan at pamilya. Lahat ng mga bagay ay makikita natin gamit ang teknolohiya, nagagawa natin ang mga bagay na dati’y hindi natin nagagawa at nakakatulong rin ito upang maabot natin ang mga taong malayo sa ating piling.
Wika, isang salita na may malaking impluwensiya sa pagkakabuo ng pundasyong meron ang isang kultura. Siyang nagiging dahilan ng pagkakaunawaan ng mga tao sa mundo ng komunikasyon. Nagsisilbi itong koneksyon natin sa isa’t isa at tulay sa pagtuklas ng mga makabagong impormasyon. Sa pamamagitan nito naipapakita natin ang ating saloobin sa iba at ganon din ang iba sa atin. Kung wala ang wika, maaari itong magdulot ng kaguluhan at hindi pagkakaintindihan. Tutuklasin sa blog na ito ang kahalagahan ng wika sa tao at paano ito nakakaapekto sa paraan ng pamumuhay ng isang Filipino.
Ang Filipino ay higit pa nating palawakin at pausbungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy nating maging kaagapay sa pag-unlad ng bansa at maging sangkap sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino.


© All rights reserved